MoMmY Lei ss_blog_claim=913025a03411326416d1f2daa1a8f71b ss_blog_claim=913025a03411326416d1f2daa1a8f71b
MoMmY Lei

Jun 13, 2010

For my Dad

Apat na taon na ang lumipas simula ng iwan mo ako.
Alam ko marami ang magugulat kapag nabasa nila ito.
Akala ng iba ay ok na ako;
Ngunit palabas lamang ang lahat ng ito.

Masakit, iyan ang tumatak sa aking isipan!
Ang mga pangarap na binuo natin ay biglang naglaho;
Nakapanglulumo kung tutuusin;
Dahil bigla kang nawala sa akin.

Ngunit kelagan kong tanggapin.
Na lumayo ka na sa akin.
Alam kong maligaya ka na diyan
Sa kanyang piling.

Ang araw na ito ay espesyal para sa iyo.
Hindi man ako makabisita pero alam kong naririnig mo ako.
Damahin mo ang pagmamahal na inaalay ko.
Sana magparamdam ka man lang sa araw na ito!

Labels:

 

:: Posted by Mmy-Lei :: 03:35 :: # :: 4 Comments:

Post your comments...




~~~~oo~~oo~~::>>Mmy-Lei<<::~~oo~~oo~~~~